Very disappointing, kakaunti lng ang food for the buffet, hindi pa masarap, parang worth 100.00 lang per head or lower pa ang price lng dapat.
Grabe sobrang pangit ng experience namin dito just today. Nagpareserve kami para sa binyag ng pamangkin ng kaibigan ko, dalawang linggo bago ganapin. Ngayon mismong araw dapat 1:00 ng hapon ang oras ng event, nagpunta kami ng 12:30, pero yung mga table na napag-usapan na gagamitin namin are still occupied with so many people, as in full tapos marami pang nakapila sa labas. Tapos yung tarp na sinabi nilang kasama sa package ng event na sinabi nilang ilalagay dun at balloons na aayusin wala... Sabi nila bukas pa daw makukuha kasi daw nagkaproblema sa emails dahil naglipat daw ng lugar yung gumagawa. Kaya bumalik kami ng 12:47, hindi pa rin nakaayos yung mga table, then 1:20 na nakapasok yung mga galing sa binyagan pero hindi pa rin maayos yung mga table. Kinausap namin yung manager, tinanong namin kung bakit hindi pa rin nakaayos, ang sagot ni manager ay ayaw pa daw kasing umalis. Kaya ayun nagkagulo-gulo yung inakala namin na maayos na event dahil nga 2 weeks before nagpareserve na kami. Then yung desserts marsmallow and chocolate fountain, hinog na pinaghiwa-hiwang papaya, minatamis na kamote, biko, halo-halo na may gatas at liquid sugar tapos red monggo, pinipig, red gulaman and sago lang. Yung mga ulam hindi satisfying bukod sa kare-kare. Yung pita toaster sira pa, ayaw mabuksan, kaya sunog na yung pita nung lalaking nauna sakin sa pila. Tapos yung lechon ulo na mukhang lechong kawali palaging ubos, 15 minutes pa daw bago ulit lagyan pero wala nang nilagay even after waiting the advised time. Sobrang pangit ng management.