Masarap naman yung pagkain kaso medyo maliit lang ang space so medyo walang social distancing at medyo may katagalan ang serving ng food. My friends and I waited like 20-30 minutes ata bago nakarating sa amin yung mga order namin. Tapos nakakaawa lang si nanay na nagse-serve kasi akyat panaog sa rooftop. Lahat ng nasa picture, umabot ng 1,050 pesos. Tapos meron pang isang customer na umorder ng burger tapos black na buns yung binigay na hindi dapat ayun. Kita namin na medyo na-disapoint yung mag-asawa pagkaalis nung staff kasi bakit hindi manlang sila nilapitan at sabihin yung tungkol sa concern na yun. Hayst.